I
Ang
mga ibat’ ibang pagkilos ng mga organisadong
grupo na walang liderato ay siyang patunay na kayang palaganapin ang pagiging
volunteer. Ito’y nakabatay sa iyong lokasyon at sa iyong kakayahan. Isang halimbawa
ang pagbibigay ng mga simpleng impormasyon, pagkukusang loob na pagtulong sa
kapwa na walang inaasahang kapalit, at simpleng pag dadamayan sa bawat komunidad.
Ang pagbibigay ng maliit o malaking partisipasyon na alam nating tama at makakabuti para sa
lahat ay tiyak at direktang aksyon laban sa isyung panglipunan.
Kung
magiging dalisay na isasabuhay natin sa pamamagitan ng pang araw araw nating
ginagawa ang salitang mutualism o
myutwalismo ay epektibong madaling maunawaan ng bawat myembro ng ating pamilya,
kaibigan, kabarkada, kalaro, katrabaho, kaopisina, at sa mga bagong
makakasalamuha pa.
Ang
isa sa pangunahing layunin ng
babasahing ito ay makadagdag at magbigay
linaw sa salitang boluntaryo o volunteer.
Pagdadamayan o mutual aid. Sa pamamagitan mo o ng bawat isa sa atin na
nananiniwala sa mga oraganisadong mga grupo na walang liderato tunay nga na
hindi kinakailangan maging mayaman, kilala sa lipunan para makatulong sa kapwa
at makapagpabago ng lipunan. Nais din po naming isa kayo na maging bahagi sa
ganitong gawain bilang isang boluntaryong indibidwal.
II
Sa
panahon pangkasalukuyan gising at mulat ang tao sa uri ng pamumuhay na
pinamamayanihan ng pamumulitika at panlalamang na nagdudulot ng kahirapan at karahasan sa mamamayan, at ang bagay na
ito ay mariing nating dapat labanan sa mapayapang uri at walang tinatapakang
kapwa biktima ng makapangyarihang lipunan.
Napakasarap
isipin na lahat ay may kakayahang mamuhay ng isang uri ng alternatibong pananaw
sa buhay at pamumuhay na naaayon sa malaya at maayos na pakikitungo sa bawat
uring may buhay. Maaari at kaiga-igaya na ang isang tao o grupo ng tao ay
lumalakad sa mundong ibabaw na hindi mapang-api, mapagdomina, mapamilit,
mapangmaliit, mapanira at makasarili.
Ang
pakikipagkapwa-tulungan (mutual-aid), at bolunterismo (volunteerism) ay napakahalagang
paniniwala sa pamumuhay upang mapaunlad ang sarili, kinabibilangang pamayanan
at kapwa. Kasabay nito ang paniniwala sa kalayaan at responsibilidad, pagkakapantay-pantay
at otonomiya na sumasaklaw sa kaisipan na ang tao ay may kakayahang i-organisa
ang kanyang sarili ng hindi dumidepende sa awtoridad o gobyerno.
Sa
pasimula pa lamang ang gobyerno o pamahalaan hangang sa kasalukuyan ay masasabi
natin na mapang-api at mapagpahirap sa mga marhinalisado tulad nating mga magsasaka,
mangagagawa, mangingisda, katutubo, tindero at tindera, at mga taong walang
sariling lote o lupa at bahay. Katulad ng mga nagdaang pulitiko sa gobyerno mas
kinikilingan nila ang paggawa at pagpapatupad ng batas sa pansariling interes. Ano
ba ang uri ng gobyerno meron tayo noon at ngayon? Posible pa bang maniwala tayo
sa gobyerno at pamahalaan? Ano ang nadarama mo sa kasalukuyang panahon
patungkol sa pamumuno o gobyerno?