Lunes, Abril 30, 2012

Pinaghalawan

Salamat sa mga sumusunod

google/wikipedia
Bas Umali
Bulatlat
Benedict Anderson

batas OBRERO

Ayon sa kalipunan ng batas hinggil sa paggawa sa Pilipinas, ang mga sumusunod ang mga karapatatan ng manggagawa:
Karapatan sa seguridad sa trabaho (Labor Code Art279)
Sa konteksto ng regular na employment, hindi maaring tanggalin ng employer ang isang manggagawa liban lang sa tinatawag na “just cause or authorized causes”.
Oras na gugugulin sa pagtatrabaho
Ang normal na oras nang pagtatrabaho ng sinumang manggagawa ay hindi nararapat na lumampas sa walo(8) oras sa loob ng isang araw kasama na rito ang maiksing oras ng pahinga at pagkain. Ang mahigit sa isang oras na diretsong pagpapahinga at pagkain ay maaaring hindi maibilang sa oras na ipinagtrabaho. (Art. 82& 84)
Karapatan sa pahinga at libangan (UDHR Art24, IESCR Art7d, Phil
Consti Art11 Sec9 Art13)
Ang bawat isa ay may karapatan sa pahinga at libangan, sampu ng maktwirang limitasyon sa bilang ng oras paggawa ang pana-panahong holidays ng may kabayaran . (Sa labor code, 1 araw o hindi kukulangin sa 24 oras matapos ang 6 na araw na tuloy-tuloy na pagtatrabaho sa loob ng isang linggo. Ang pagiging ina at bata ay nararapat bigyan ng ispesyal na pangangalaga at suporta. Ang lahat ng bata, isinilang man ito sa loob o labas ng kasal ay dapat magtamasa ng pantay na panlipunang proteksyon. May pahinga, libangan at resonableng hangganan sa oras paggawa at pana-panahong holiday na may kabayaran, ganuon din ang kabayaran para sa di pagpasok kung public holiday.
Hinggil sa pagpapasahod
1. Ang pagbibigay ng sahod ay nararapat na ibigay ng nakahandang salapi (cash) at malapit sa lugar na pinagtatrabahuhan (Art.102& 104)
2. Maaaring makuha ang sahod mula sa banko kapag may pakikiusap na isinulat ng mas nakararaming empleyado (Sec. 7 R.A. 6727)
3. Direktang ibinibigay ang sahod sa manggagawa(Art. 105)
4. Ang pasahod ay ibinibigay na may puwang na hindi lalampas sa labing-anim (16) araw (Art. 103)
5. Anumang ibinabawas sa sahod ay nararapat na may pahintulot ng batas (Art. 113)
6. Ang "Labor-only-contracting" ay ipinagbabawal kung saan ang taong nagbibigay ng mga manggagawa sa taong nagpapasuweldo ay isa lamang agent o kinatawan ng may-ari o ng nagpapatrabaho (Art. 106)
7. Kungsakaling nalugi ang negosyo ng kumpanya, ang kanyang mga manggagawa ay ang siyang unang mababayaran ng kanilang sahod at iba pang benepisyo bago mabayaran ang gobyerno at iba pang pinagkakautangan (Art. 110)
Hinggil sa mga kabataang nagtatrabaho
Ang mga batang may edad labinlimang (15) taong gulang lamang ang maaaring magtrabaho. (Sec. 12 R.A. 7610). Ang mga batang nagtatrabaho nang wala paang labinlimang (15) taon ay mapapasailalim sa responsibilidad ng kanyang mga magulang o tagapangalaga, sa kundisyong ang kanyang pagtatrabaho ay hindi makasasagabal sa kanyang pag-aaral sa proseso ng kanyang paglaki.

Isabelo delos Reyes: Bayani ng Mayo UNO

 
Ang Araw ng Manggagawa o Labor Day ay taunang ipinagdiriwang tuwing ika 1 ng Mayo sa Pilipinas. Sa okasyong ito ay binibigyang parangal ang lahat ng manggagawa sa buong bansa. Subalit kasabay ng masayang selebrasyon ay naglipana ang mga pagtitipon-tipon ng iba't ibang sektor ng manggagawa upang isatinig ang kanilang mga hinanaing.
Ang rebolusyong 1896 ay rurok ng mga nagpatong-patong na atraso ng mga prayle at ilang dekada bago ito; noong ika-20 ng Pebrero 1872, nabulabog ang kolonyal na pamahalaan sa pag-aalsa sa paggawaan ng barko sa Cavite, pitong kastilang opisyal ang napatay. Agad na naapula ang kaguluhan at maraming inaresto kabilang ang mga mestiso, pari, negosyante at kahit mga myembro ng pamahalaang kolonyal. Kabilang sa mga inaresto ay sina Basa, Regidor at Pardo na ipinatapon sa Marianas at iba pang lugar. Sa sulsol ng mga konserbatibong prayle, nagdesisyon ang pamahalaang kolonyal na magbigay halimbawa sa publiko. Binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong pari na sina:  Burgos, Gomez at Zamora sa harap umano’y ng 40,000 tao.
Matapos ang anim na buwan, noong ikalawang Setyembre, halos 1200 na mga manggagawa sa paggawaan ng barko sa Cavite ang nagsagawa ng kilos-protesta. Ito ang kauna-unahang kilos protesta na naidokumento sa kasaysayan ng arkipelago. Maraming tao ang naaresto at piniga subalit walang natukoy na pinuno. Sa aklat ni Benedict Anderson na “Under the Three Flags ”binanggit ang pagkasurpresa ng heneral na si Izquierdo at suspetsa niyang maaring umabot na ang impluwensya ng Itim na pakpak ng Internasyunal, ang seksyon ng mga anarkista.
Kung si Rizal ay na-edukahan sa mga Unibersidad sa Europa, sa Madrid at Barcelona nahasa naman si Isabelo delos Reyes sa mga kilos-protesta at welga ng mga manggagawa. Ang kakayahan niya sa mga kampanya at pag-o-organisa sa hanay ng mga manggagawa at mahihirap ang siya niyang naging kalakasan sa pagtatag ng kauna-unahang unyon sa arkipelago – ang Union Obrera Democratica (UOD). Kaya’t nakaka-intrigang isipin kung bakit karamihan sa mga militanteng unyon at mga partido ng manggagawa ay walang malalim na pagkilala kay Isabelo de los Reyes.
Ang Araw ng Mangggagawa sa Pilipinas ay unang ipinagdiwang noong 1903 noong mga panahong ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng Amerika. Sa taong ito (Mayo 1) ay sama-samang nagmartsa papunta sa Malacanang ang mahigit sa isangdaang libong manggagawa na itinatag ng Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF) sa saliw ng kaisipang anti-kolonyal, anti-imperyalismo at anarkismo, upang humingi nang mas maayos na kundisyon sa kanilang estado bilang manggagawa. Noon naalarma ang gobyerno ng Amerikano. Nilusob ng Philippine Constabulary na kinabibilangan ng mga Amerikano at mga Pilipino ang printing press ng UODF at inaresto ang pangulo nito, si Dominador Gomez sa salang ilegal na pagtitipun-tipon, pag-aaklas at paglaban sa pamahalaan.
Makalipas ang sampung taon, sa petsang Mayo 1, 1913, nabuo ang Congreso Obrero de Filipinas na pinangunahan ni Hermenegildo Cruz. Dito ipinaglaban ng mga manggagawa ang walong oras na pagtatrabaho kada araw, hindi pagpayag na magtrabaho ang mga batang manggagawa, pamantayan para sa paggawa ng mga kababaihan at pananagutan ng mga kapitalista. Dito nagsimula ang selebrasyon ng Araw ng Manggagawa hindi lamang sa pamamagitan ng mga parada kundi ng mga rali at pagsasatinig ng mga kaapihan ng manggagawa.